Lunes, Agosto 5, 2013


"Kalikasan:Dapat Ingatan at
Alagaan"

       Ang kalikasan ay maitatawag na yaman ito'y hindi gawa ng tao dahil ito'y gawa ng ating Puong Maykapal.Kaya ito ibinigay upang may taga panggalaga at may makiki-ambag.


         Maraming naninirahan sa ating kalikasan.Kagaya ng mga hayop.Karamihan sa kanila ay sa jungle  o kagubatan makikita ang iba nama'y sa ocean o karagatan.Alam niyo ba na ang mga karamihan na mga hayop sa pilipinas ay nagiging endangered species na?.Kaya pahalagahan natin sila dahil hindi lang atyo ang nilalang dito sa mundo kundi kasapi rin sila.
         Naninirahan din dito ang mga punong-kahoy.At ito'y nag sisilbing pang pigil sa mga tubig na maaring magdulot ng pagbaha.Maaari ring makakatulong sa paggawa nang mga imprastraktura,mga bahay at sa hanapbuhay.
         At ang mga tao naman ay nakiki bahagi rin sa yaman nang kalikasan at isa rin sa pagsira nito.Inaa -abuso kasi nila ang kailkasan gaya ng mga pamamaraang  pagputol ng mga punong-kahoy,pagmimina at iba pang pamamaraan na maaring makakasira ng mga ito.
          Sa panahong ito lahat nang mga yaman nang kalikasan ay unti-unti ng nauubos.Dahil sa illegal na panghuhuli at pagpatay sa mga hayop.Dahil rin sa pag i-illegal logging nakakalbo na ang ating mga kagubatan at maraming kalamidad ang dumating sa atin.Katulad ng pagbaha,pagguho, at pag el niño .Kaya dapat na tayong mabahala upang may matira pa sa susunod na henerasyon.
        Ang dapat nating gawin ay ang pagpapatuloy sa pagsulong ang proyektong 1 Billion Tree Planting  upang mapapalitan na nag mga punong na putol at na sunog.Manghikayat ng mga kabataan upang sa susunod na henerasyon sila na rin ang mamumuno.Pag aayos ng mga basura sa tamang lalagyan upang hindi magbara ang mga kanal at siguruing malinis ang kapaligiran.Maari ring mag gawa ng sanctuary upang may matitirhan ang mga isda at maproprotektahan ang mga korales.
       Sana'y makakatulong ako bilang istudyante sa pag-aalaga ng kalikasan sa pagsusunod ko ng mga paraang nasabi ko.
  
       Ako po pala ay si Jessa Mae A. Verterra  15 na taong gulang nakatira sa Sta.Barbara St. Inopacan,Leyte at ako po'y nag-aaral sa paaralang Inopacan National High School.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento